Talambuhay

Kalahati ng taong 90s

Gigi, Sebi, Enrico at Robi ay nagbuo ng bandang Piscia Korsakov sa Udine, may ilang konsyerto sa Friuli at Slovenia at, noong 1997, nagrecord ng isang LP na tinatawag na “Vivere la Merda”. Matapos ang maiksing panahon ang banda ay nagkahiwalay dahil sa problema sa alak. Sa panahon din na iyon, si Gigi at Sebi ay tumutugtog din sa bandang Kriesti Rvota, isang grupong political punk na hindi din nagtagal at na disband din.

2006

M3332C-1002Halos sampung taon na ang lumipas, si Gigi (drums) at Sebi (bass), ay nag pasya at nagdesisyon na simulan ulit nila ang na simulan nilang banda. (at dito pinangalanan nila ang banda na VIVERE MERDA) Dito ay nakasama na nila si Nichole (vocals) at Ciro (guitarist) parehong mula sa Trieste. Matapos ang unang konsiyerto, si Ciro ay umalis at tumugtog sa isang grupong Metal at Samuel/UomoDonna (guitarist) ang pumalit sa kanyang lugar. Matapos ang ilang konsyerto, ang unang demo ay nairecord sa isang CDR may limang mga track at isang live track (ang iba ay mga lumang kanta na ng lumang banda).

2007 – 2008

OLYMPUS DIGITAL CAMERANung Nobyembre 2006 si Sebi (bass) ay nalulong sa alak at naging lasenggo, at dito ibinigay nya ang pwesto nya sa grupo ky Jubbi (ex band member ng Cimex, Wonderpack at Abiotica, dating mga banda mula sa Treviso). At isang bagong CDR ang na irecord. Ang titolo ng album ay “Pace Violenta”; ito ay may pitong bagong kanta. Sa katapusan ng 2008, mr. UomoDonna ay nakahanap ng isang apartment at nanirahan sa Germany sa isang sandaling panahon. At si Nicky (guitarist), isang Pilipino punk (nakatira sa Udine), ang pumalit sa kanya.CIMG1863 Samantala, sa hindi alam na dahilan (pag-ibig, marahil?) at biglang nawala ang vocalist. Nahinto muna ang pagtugtog sa konsyerto ng grupo.

2009 – 2010

Nung simula ng 2009, si Dalila (mula Foiba Punx) ay kumanta sa apat na konsyerto ng banda sa England tour kasama ang bandang Disorder. Matapos ang ilang panahon na paghahanap, ang isang bagong vocalist ang tinatanggap: Alessia (vocalist). Nung 2010 lumabas ang 12″ inch vinyl split ng ANXTV mula sa La Spezia sa side nila na may 5 track at nagngangalang “Diritto d’Illusione”. At sa side ng Vivere Merda na may 6 track at nagngangalang “Escort Punk”.

Ngayon…

Ang banda ay patuloy pa ding tumutugtog sa mga konsyerto at may mga bagong pyesa na irerecord na sana ay mailabas namen sa maagang panahon o sa anumang paraan….